Klase sa lalawigan ng Albay, suspendido simula ngayong araw hanggang Miyerkules

Klase sa lalawigan ng Albay, suspendido simula ngayong araw hanggang Miyerkules

SINUSPINDE ng pamahalaang panlalawigan ng Albay ang klase simula ngayong araw  hanggang sa Miyerkules.

Ito’y dahil sa epekto ng shearline at sa isinagawang transport strike.

Batay sa pagtaya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), inaasahan ang malakas na pag-uulan sa Albay sa susunod na tatlong araw dulot ng epekto ng shear line at low pressure area na posibleng magdulot ng mga pagbaha at landslide.

Kasama rin dito ang tatlong araw na transport strike ng ‘No to Jeepney Phaseout Coalition’ na magsisimula rin ngayong araw, Lunes hanggang Miyekules.

Sa abiso ng Albay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (APDRRMC), pinayuhan ang lahat ng ahensiya ng gobyerno at ang pribadong sektor na magbigay ng transport support services sa kanilang mga tauhan o empleyado na maaapektuhan sa tatlong araw na strike.

Bukod dito ay payagan rin ang mga empleyado na mag-work from home lalo na sa mga lugar kung saan isinagawa ang transport strike.

Pinayuhan din ang publiko na iwasan ang mga pampublikong lugar at manatili na lamang sa kanilang mga tahanan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble