Klase sa lungsod ng Maynila, half day na lang

Klase sa lungsod ng Maynila, half day na lang

NAGLABAS ng memorandum ang Division of City Schools – Manila na nagpapatupad ng mga klase sa pampublikong paaralan.

Kung saan isasagawa ang klase mula 6:00 am hanggang 12:00 pm na lang mula Abril 11, 2024 hanggang Mayo 28, 2024.

Ang Memorandum No. 140 s.2024, na nilagdaan ni DCS Manila Chief Education Supervisor Nerissa R. Lomeda, CESE, ay inilabas kaugnay ng mapanganib na antas ng heat index na kasalukuyang nararanasan sa bansa.

Ayon kay Lomeda, ginawa nila ito para na rin sa kaligtasan ng mga mag-aaral sa sobrang init ng panahon at mailayo sila sa anumang uri ng sakit.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter