Klase, sinuspinde sa ilang lugar sa Metro Manila dahil sa masamang panahon

Klase, sinuspinde sa ilang lugar sa Metro Manila dahil sa masamang panahon

DAHIL sa patuloy na nararanasang masamang lagay ng panahon, ilang lokal na pamahalaan sa Metro Manila ang nagsuspinde ng klase kahapon.

Ayon sa latest weather advisory ng PAGASA, inaasahan ang katamtaman hanggang sa malalakas na buhos ng ulan na may kasamang pagkidlat at malalakas na hangin sa Metro Manila at mga kalapit-lalawigan.

Kabilang sa mga lugar na apektado ay ang Pampanga, Bulacan, Tarlac, Quezon, Laguna, Rizal, at Nueva Ecija.Sa Zambales naman, partikular sa mga bayan ng Iba, Palauig, Masinloc, San Antonio, Subic at Olongapo, gayundin sa Nasugbu sa Batangas, Maragondon at Ternate sa Cavite, at Morong sa Bataan, nararanasan na ang matinding pag-ulan na may kasamang malakas na hangin na tumatagal ng halos dalawang oras at posibleng makaapekto sa mga kalapit na lugar.

Dahil dito, pinapayuhan ang publiko na maging alerto sa posibleng pagbaha at landslide.

Samantala, nagdeklara na ng suspensyon ng klase ang lungsod ng Las Piñas at Muntinlupa sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan kahapon.

Sa Muntinlupa, suspendido rin ang face-to-face classes sa mga pampublikong paaralan, habang ipinauubaya naman sa pamunuan ng mga pribadong paaralan ang pasya kung magsususpinde rin ng klase.

Patuloy namang naka-monitor ang mga lokal na disaster risk reduction offices at pinaalalahanan ang publiko na maging handa sa mga posibleng epekto ng masamang panahon.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble