SISIMULAN na ng pamahalaan ang konstruksiyon sa housing project sa Bacoor City sa Cavite.
Ito ay bahagi ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program ng Marcos administration.
Ang naturang housing project ay bubuuin ng siyam na 15-story buildings na may kabuuang 1,890 condo-type units.
Ang strike towers na itatayo sa Barangay Zapote 1 ay hindi lang puro gusali dahil mayroon din itong open spaces, mga parke at iba pang amenities.
Ayon kay Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Rizalino Acuzar, malapit lamang sa commercial area ang lokasyon ng naturang housing project.