Konstrukyon ng P6-B UP-PGH Cancer Center, aprubado na

Konstrukyon ng P6-B UP-PGH Cancer Center, aprubado na

INAPRUBAHAN na ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang konstruksyon ng P6-B University of the Philippines (UP)-Philippine General Hospital (PGH) sa Manila.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil, ang nasabing cancer center ay magkakaroon ng full range ng cancer treatments gaya ng radio oncology (radiotherapy), imaging, medical oncology at maging sa ibang research activities.

Ang center na may 15-20 palapag ay may kabuoang 3,000 square meter lot area at mayroong bed capacity na 300 kama kung saan ang 150 ay magiging charity bed para sa UP-PGH area at 150 pribadong kama para sa private area. cancer center

Dagdag pa ni Garafil, ang nasabing proyekto ay bahagi ng pagsisikap ng administrasyong Marcos na gawing moderno ang imprastraktura ng kalusugan ng bansa sa mga serbisyo sa oncology at cancer care.

Follow SMNI NEWS in Twitter