NILAGDAAN na ng Department of Transportation (DOTr) ang kontrata para sa architectural at engineering design ng Metro Rail Transit Line 4 o MRT-4 sa Antipolo, Rizal.
Matapos ang mahigit dalawangpung taon na paghihintay at pagpaplano sa train system sa bansa, inaasahang matutuloy na ito sa ilalim ng Duterte Administration.
Pinangunahan ni Department of Transportation Secretary Arthur Tugade ang contract signing para sa architectural at engineering design ng Metro Rail Transit Line 4 project o MRT-4 kasama ang Spain-based design consultant IDOM.
Suportado ang nasabing aktibidad hindi lang ng kinatawan ng ahensiya kundi maging sa mga opisyal ng lalawigan kung saan kabilang ang lugar sa makikinabang sa proyekto
Ang nasabing tren ay mayroong humigit kumulang 15.56 kilometro na kung saan ito ay magdudugtong sa mga lungsod ng Mandaluyong, San Juan, Quezon City, Pasig at mga munisipalidad ng Cainta, Taytay at Rizal.
Kapag nakumpleto na ang pagpapatakbo nito, ang oras ng paglalakbay sa pagitan ng N. Domingo sa San Juan at Taytay sa Rizal ay halos 30 minuto na lamang at maaaring maghatid ng 234,433 na mga pasahero araw-araw.
Ang nasabing MRT-4 project ay hindi lamang makapagbibigay ng kaginhawaan at kumportableng byahe kundi makatutulong din ito sa livelihood at business opportunities sa ating mga kababayan.
Sa taya ng ahensiya aabot sa 73,000 na trabaho ang inaasahang magbubukas habang ginagawa ang proyekto.
Ayon kay Usec. Batan, isa ito sa magiging milestone ng Duterte Administration sa ilalim ng Build, Build, Build program kung saan ang pagkakaroon ng reliable, convenient at fast railway connection sa mahigit tatlong milyong residente ng Rizal.
“MRT4, with approximately 16 kilometers and a total of 11 stations, will have almost half, or 4 of its stations in the municipalities of Cainta and Taytay, which are the 2nd and 3rd most densely populated municipalities in Rizal,”ayon kay Usec. Timothy John Batan.
Ang ADB IPIF ay tinutustusan at sinusuportahan ang DOTr sa de-kalidad na pag-unlad at paghahanda sa proyekto kung saan hindi lamang ito pinag-aaralan kundi tiyakin din ang pag-access sa financing upang masiguro na mayroong pondo para rito.
“The indicative timeline based on initial review by the ADB involves a Detailed Engineering Design Phase from the 4th Quarter of 2021 to the 1st Quarter of 2023, start of Right-of-Way Acquisition and Site Clearing in 2nd Quarter 2022, Procurement from 2nd Quarter of 2023 to 2nd Quarter of 2024, Construction between 2024 to 2027, and Full Operations in 2028,”dagdag nito.
Aniya, ang pagbabalik ng riles at mga tren sa Probinsya ng Rizal, sa ilalim ng Build Build Build Program ni Pangulong Duterte sa pangunguna ni Sec. Tugade ay tuloy-tuloy sa paghahatid ng mas kumbenyenteng pamumuhay sa bawat pinoy.
Binigyang diin ng kalihim na ang pagtatayo ng MRT-4 ay upang itaguyod at mabigyang buhay at patotoo ang proyektong matagal ng plano, aniya kung walang pakikipag-isa sa mga lokal na pamahalaan ay maaring hindi ito uunlad.
Matatandaang, malaking bahagi rin ang naibigay ng gobyerno ng espanya sa ginawang proyekto nito sa Tutuban hanggang Clark.
Nasa kabuuang P1.4-B ang contract cost para sa MRT-4 project.
Kapansin-pansin, sa mahigit 80 lalawigan ng bansa, ang Rizal ay itinuturing na pinaka makapal na populasyon na may halos 2,500 katao bawat square kilometer.