‘KANSELAHIN’ na lang ang kontrata sa pagitan ng kompanyang gumagawa ng Common Station na magdurugtong sa LRT-1, MRT-3, at MRT-7.
Ito ang pinaplano ng Department of Transportation (DOTr) dahil hanggang ngayon ay hindi pa tinatrabaho muli o tinatapos ang Unified Grand Central Station sa North EDSA.
Kung pagbabatayan ang kontrata, taong 2022 ay operational na sana ito, ngunit dahil sa COVID-19 pandemic ay naantala ang proyekto. Sa kabila ng balakid na ito, kung sisimulan ang konstruksyon ngayon, matatapos ito sa taong 2028.
Ang kontrata para sa konstruksiyon ay iginawad noong 2019 sa BF Corporation, isang kompanya ng namayapa nang dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairperson Bayani Fernando.