Kooperasyon at matatag na public service, ipinaalala sa mga bagong halal na brgy. official ng Las Piñas City

Kooperasyon at matatag na public service, ipinaalala sa mga bagong halal na brgy. official ng Las Piñas City

PINANGUNAHAN ni Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar at Vice Mayor April Aguilar ang mass oath taking ng lahat ng Sangguniang Kabataan (SK) Chairman at council members sa buong lungsod nitong Biyernes, November 10, 2023.

Binigyang-diin ng Punong Lungsod ang pakikipagtulungan ng lahat ng lokal na opisyal lalo na sa mga kabataan sa lungsod sa pagsisimula ng kanilang tungkulin bilang mga halal na opisyal na layong itaguyod ang karapatan at kapakanan ng mamamayan sa kani-kanilang komunidad.

Sa panayam kay Barangay Captain Robert Villalon ng Barangay Pamplona Dos, ibinahagi nito ang kanilang mga programa na sumasalamin sa magagandang proyekto ng kasalukuyang lokal na pamahalaan.

“Marami na po kaming naplanong programa sa aming barangay, katulad na lang ng pagpapaigting ng Solid Waste Management, pag-aayos ng aming fire station, pagbibigay ng libreng tubig, at ang pag-strengthen ng aming barangay basic institutions,” saad ni Villalon.

Binigyang diin rin nito ang susi ng tagumpay ng isang barangay ay sa pamamagitan ng kooperasyon ng publiko.

Habang, ipinangako naman ng bagong liderato ng Sanggunian Kabataan ang pagpapa-unlad sa pisikal, moral, spiritwal at social development ng mga kabataan at sa kapwa nitong lider para sa isang mas malusog na serbisyong publiko hindi lan sa kanilang mga lugar kundi para sa buong lungsod ng Las Piñas.

Bilang bahagi ng paalala, hinimok ng LGU ang lahat na pahalagahan ang edukasyon upang mailayo ang mga ito sa iligal na gawain gaya ng iligal na droga, kriminalidad at mga bisyong magdudulot ng masamang epekto sa kinabukasan ng mga kabataan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter