NAGTIPON-tipon araw ng Martes ang ilang mga beteranong sundalo at opisyal mula sa iba’t ibang bahagi ng Timog-Silangang Asya gaya ng bansang Vietnam, Thailand, Singapore, at Pilipinas.
Kaugnay ito sa ika-22 General Assembly of the Veterans Confederation of ASEAN Countries 2023 (VECONAC 2023).
Naging panauhing pandangal sa nasabing aktibidad si Department of National Defense Sec. Gilberto Teodoro, Jr.
Kabilang din sa mga dumalo si AFP chief of staff Gen. Romeo Brawner, Jr.
Hindi bababa sa 160 ang mga naging delegado mula sa 10 miyembro ng VECONAC na binubuo ng mga pinuno ng mga organisasyon ng beterano, opisyal mula sa iba’t ibang National Defense at mga defense attache sa rehiyon.
Sa kaniyang talumpati, hindi pinalagpas ni Sec. Teodoro ang pagkakataon na batiin ang lahat ng mga beterano at delegasyon sa pagbisita ng mga ito dito sa bansa.
“In so far as I’m concerned as supervisor of veterans affairs I extend once again to each and every one of you the best wishes individually to each and every delegation and to the veterans of those of your countries and collectively as an ASEAN veterans community welcome to the Philippines” pahayag ni Sec. Gilberto Teodoro Jr., DND.
Kasunod nito ay binigyang-diin din ng kalihim ang pagbibigay ng paalala sa kung ano ang magiging resulta kung patuloy na nilalabag at hindi sinusunod ng ibang bansa ang mga panuntunan batay sa international order.
“As a colleague in the admin said and I will not name him then he was asked what is your problem what is your greatest threat when you wake up the next day and you have a neighbor that you did not expect not to be your neighbor that is going to happen if we do not collectively stand up for our rights pursuant to the rules-based international order,” ayon pa kay Sec. Teodoro.
Dagdag pa ng kalihim na kung hindi magkakaisa ang bawat bansa at hindi gagamitin sa tama ang impluwensiya ng kasalukuyang liderato ay maaaring masayang ang mga ipinaglalaban ng mga ito.
“And why I am telling you this because if we disregard the signs of the times and we fail to act collectively and you fail to exercise your influence on you current leaderships in order to act as one then your individual struggles may have been for nought which we don’t want to see,” dagdag ni Teodoro.
Sa huli, sinabi ni Sec. Teodoro na huwag ulitin ang mga naging kamalian ng mga naunang leader ng bawat bansa bagkus dapat tahakin ang pagpapanatili sa kapayapaan at bumuo ng tiwala sa karatig bansa sa Asya.
Samantala, kasali sa naturang aktibidad ang hindi bababa sa 160 na mga delegado mula sa 10 miyembro ng VECONAC, kabilang ang mga pinuno ng mga organisasyon ng beterano, opisyal mula sa iba’t ibang kagawaran ng depensa, at mga defense attache sa rehiyon.