NAGING makulay ang pagtatapos ng UAAP career ni Ange Kouame matapos na mabawi ng Ateneo Blue Eagles ang korona sa finals ng UAAP Season 85 kontra sa University of the Philippines kung saan itinanghal din ito bilang Finals MVP.
Itinanghal ang center na si Kouame bilang Finals Most Valuable Player sa UAAP Season 85 matapos nitong tulungan ang Blue Eagles sa championship sa kontra fighting Maroons sa Araneta Coliseum.
Sa final appearance nito sa UAAP ay nakapagtala ito ng 19 points, 12 rebounds at 4 blocks upang makatulong sa 75-68 na panalo ng Ateneo sa Game 3 kontra sa UP.
Ito na ang ikatlong championship titles na nakuha ni Kouame simula Season 81, 82 at 85 sa kanyang UAAP career.
Ito rin ang itinanghal na Rookie of the Year noong 2018 at nanalong Most Valuable Player noong Season 84 ngunit hindi nito nagawang maipanalo ang Blue Eagles.