ISINISI ni Romblon lone district Rep. Eleandro Jesus Madrona sa Energy Regulatory Commission (ERC) ang kasalukuyang nangyayaring power crisis sa Occidental Mindoro.
Sa pahayag ni Madrona, ito ay dahil hindi inaprubahan ng ERC ang hiling ng National Power Corporation (NAPOCOR) na i-adjust ang power rates.
Dahil aniya dito, nagkakaroon ng 20 oras kada araw na brownout sa lalawigan.
Matatandaan na inilagay noong nakaraang buwan ang Occidental Mindoro sa state of calamity dahil dito.
Ipinunto pa ni Madrona na kapag hindi pa ito mareresolba ng ERC ay posibleng maapektuhan na rin ang iba pang lalawigan na siniserbisyuhan ng small island power utilities group tulad ng Palawan, Masbate, Mindoro, Catanduanes at Romblon.
Ikinababahala ng mambabatas ang posibleng epekto ng mahabang brownout sa mga negosyo lalo na sa turismo na pangunahing hanapbuhay sa mga nabanggit na lalawigan.