AALIS na si Kylian Mbappe sa Paris Saint-Germain (PSG) kung matatapos na ang kaniyang kontrata dito.
Napaulat pa na lilipat ito sa Real Madrid at ayon sa mga source, pumasok na si Mbappe sa isang negosasyon sa pagitan ng koponan.
Nagsimula ang footballer sa PSG noong 2017 at pinalawig nito ang kaniyang kontrata noong 2022 hanggang 2024.
Subalit noong nakaraang taon ay umuugong na ang hindi pag-renew ng kontrata nito.