TARGET ng De La Salle University na makabawi matapos ang hindi magandang pagtatapos nito sa UAAP Season 84 Men’s Basketball Tournament.
Matatandaan na dalawang minuto na lamang ang kailangan ng La Salle upang makapasok sa finals ng Season 84 ngunit nagawa pa itong mahabol nang nag-kampeon na ang University of the Philippines na nagtapos sa iskor na 78-74.
Sa pagpasok ng La Salle sa UAAP season 85 ay nagpadala na ito ng babala sa mga katunggali nitong eskwelahan dahil sa nanalo ito sa PBA D-League Aspirants’ Cup.
Ayon kay La Salle head coach Derick Pumaern, parte ng learning process ang naging laban ng La Salle sa D-League partikular sa pagtatapos ng laro na naging kahinaan ng kanyang koponan sa Season 84.
Agad namang mahahamon ang La Salle dahil sa una nitong makahaharap sa opening campaign nito ang defending champion na UP sa October 1 sa Mall of Asia Arena.