INIUWI na ang bangkay ni Didi Andel alias Sisoy, isa sa mga nasawing miyembro ng komunistang teroristang grupo sa nangyaring engkwentro sa bahagi ng Sta. Margarita, Baggao, Cagayan.
Gamit ang C295 ng Philippine Air Force, dinala na sa Davao City Airport ang bangkay na sasalubungin ng tropa ng 56th Infantry Battalion upang ihatid sa kanilang tahanan sa Sitio Dagohoy, Talaingod, Davao del Norte.
Kung matatandaan, nagkaroon ng sagupaan sa pagitan ng tropa ng 17th Infantry Battalion at ng mga natitirang miyembro ng Komiteng Probinsya Cagayan at Isabela, Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley noong Pebrero 13, 2023.