NA-RECOVER ng Israeli military ang labi ng isang hostage sa isang underground tunnel sa Rafah Area, Gaza.
Nitong Miyerkules, Enero 8, 2025 nang ibinahagi ito ng israel.
Ang naturang hostage ay kasama sa mga nadukot noong Oktubre 7, 2023.
Kung matatandaan, nasa 251 katao ang dinukot noong araw na iyon at bagamat napalaya na ang iba noong 2024, mayroon pang 95 na nananatili sa Gaza.
Kabilang pa sa mga hindi napalaya ang 34 na Israeli military na sinasabing patay na ang mga ito sa kasalukuyan.