Labi ni Gov. Degamo, dinala na sa bayan ng Siaton, Negros Oriental

Labi ni Gov. Degamo, dinala na sa bayan ng Siaton, Negros Oriental

WALA na sa provincial capitol ang mga labi ni Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Ito’y dahil dinala na ito papunta sa bayan ng Siaton kung saan ihihimlay sa March 16.

Isang gabi lang ang burol nito sa gymnasium sa Siaton at pagkatapos ay ililipat na naman ito sa Brgy. Bonawon at dito na ihahatid sa kaniyang huling hantungan.

Sa bayan ng Siaton ipinanganak si Degamo at dito rin nagsimula ang kaniyang political career.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter