Labis na rental fee sa ACMs para sa 2025 elections, kinuwestiyon sa Senado

Labis na rental fee sa ACMs para sa 2025 elections, kinuwestiyon sa Senado

PINUNA ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel ang aniya’y labis na rental fee sa modern automatic counting machines (ACMs) na nais gamitin ng Commission on Elections (COMELEC) para sa 2025 National and Local Elections.

“Under the proposed budget of the Comelec for the next fiscal year, a substantial portion amounting to P19.799 billion is allocated for the rental of these 127,740 ACMs, each costing P155,000 to lease, for the implementation of the 2025 midterm election,” ayon kay Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III.

Sa panukalang budget ng COMELEC para sa susunod na taon ay nasa P19.799-B ang nakalaan para sa pag renta ng 127,740 ACMs, kung saan nasa P155,000 naman ang presyo ng bawat isa.

Pinunto ni Pimentel na masyadong mahal ang presyo sa renta sa bawat ACM, lalo na’t kung ikokonsidera ang pinansiyal na hamon na kinakaharap ng gobyerno.

“To spend nearly P20 billion on the rental of automatic counting machines, with each machine costing P155,000 just to lease, is simply not wise, given our current financial situation,” dagdag ni Pimentel.

Partikular na kinuwestiyon ni Pimentel ang paglobo sa presyo sa P155,000 kada unit mula sa P70,000 batay sa binanggit ng komisyon sa media at sa Senado sa nakaraang taon.

Dagdag din ng mambabatas na dapat ipaliwanag ng COMELEC kung bakit umabot sa higit sa 127,000 ACMS o tumaas ng 121% ang bilang na kinakailangan kumpara sa dati nitong sinabi na nasa 97,000 lamang.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble