Laguindingan Airport, target na gawing international airport

Laguindingan Airport, target na gawing international airport

SISIMULAN na sa susunod na taon ang proyekto na gagawing international airport ang Laguindingan Domestic Airport sa Misamis Oriental.

Ito ang sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista sa isinagawang groundbreaking ceremony para sa expansion project ng Laguindingan noong Linggo, Pebrero 4.

Pero ayon kay Bautista, bago sisimulan ang conversion nito ay kailangan munang palawakin o dagdagan ang passenger capacity ng paliparan.

Aniya, kapag aabot sa 2.5-M pasahero kada taon sa pinalawak na kapasidad ay maaari na nilang simulan ang negosasyon sa mga ahensiya ng pamahalaan para sa kinakailangang suporta para sa international operations ng airport.

Sa ngayon ay nasa apat na jet aircraft at isang propeller aircraft lang ang kayang i-accommodate ng Civil Aviation Authority of The Philippines (CAAP).

Tanging nasa kabuuang 790 na pasahero lang ang kaya nito nang sabay-sabay pero magdudulot din aniya ng congestion.

Sa ngayon, plano ng DOTr na mula sa 743-square meters ay gagawin nang P1,463 square meters ang pre-departures area habang mula naman sa 500 na passenger capacity ay magiging 860 na ito sa kada airline.

Target naman ng CAAP na matatapos ang proyekto sa buwan ng Agosto.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble