Laguna de Bay, gagawing major supplier ng isda sa Metro Manila—DA

Laguna de Bay, gagawing major supplier ng isda sa Metro Manila—DA

PINAPLANO ni Department of Agriculture (DA) Sec. Francisco Laurel, Jr. na maging major supplier ng isda sa Metro Manila at karatig lugar ang Laguna de Bay.

Isa ito sa hakbang ng DA upang mapababa at maging abot-kaya ang presyo ng mga isda.

Sa datos ng Laguna Lake Development Authority (LLDA), nasa 90-K toneladang mga fresh water na isda kada taon ang nanggagaling dito.

Nasa 13-K mangingisda rin ang nabibigyan ng trabaho kaugnay rito.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter