Lahar at putik mula sa Bulkang Mayon, posibleng dadaloy sa mga ilog at drainages dahil sa Bagyong Paeng

Lahar at putik mula sa Bulkang Mayon, posibleng dadaloy sa mga ilog at drainages dahil sa Bagyong Paeng

POSIBLENG dadaloy ang lahar at putik mula sa Bulkang Mayon sa mga ilog at drainages sa Albay dahil sa Bagyong Paeng.

Sa advisory ng the Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), kasunod anila ito sa inaasahang paglakas ng Bagyong Paeng sa Bicol Region at Eastern Visayas hanggang ngayong araw ng Sabado, October 29.

Posibleng dadaloy ang lahar at mga putik mula sa bulkan sa Miisi, Binaan, Anoling, Quirangay, Maninila, Masarawag, Muladbucad, Nasisi, Mabinit, Matan-Ag, at Basud, Bantayan Channels sa Albay.

Dahil dito, hiniling ng PHIVOLCS na maging mapagmatyag ang lahat na mga residente partikular sa mga lugar na nabanggit.

Follow SMNI NEWS in Twitter