NASAWI ang hindi bababa sa 15 katao habang dose-dosena pa rin ang nawawala matapos na hagupitin ng matinding ulan na nagresulta sa landslide ang isa sa mga isla ng Indonesia.
Ayon sa Natuna Search and Rescue Agency, Head na si Abdul Rahman, nasa 50 na katao pa rin ang nawawala at kasalukuyang pinaghahanap at 15 katao naman ang pumanaw na.
Dagdag pa ng opisyal, dahil na rin sa layo ng lugar kung saan tumama ang landslide sa rehiyon ng Natuna na sinamahan pa ng matinding pag-ulan, malakas na hangin at sirang communication lines kung kaya’t hirap na magsagawa ng rescue efforts.
Ayon naman sa mga eksperto, lumalala ang mga weather-related disaster ng bansa dahil sa deforestation at climate change.