Viral sa social media na nagbabawal kuhanan ng larawan at video ang mga BI personnel, dinipensahan

Viral sa social media na nagbabawal kuhanan ng larawan at video ang mga BI personnel, dinipensahan

NAGPALIWANAG ang Bureau of Immigration (BI) kaugnay sa lumabas na mga larawan sa social media hinggil sa pagbabawal na makuhanan ng video o ng picture ang kanilang mga tauhan.

Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na hindi naman bago ang naturang patakaran.

Gayunman ay aminado si Tansingco na kailangan ayusin ang mga signages para maipakita ang hospitality ng mga Pilipino.

Dahil diyan ay inatasan na ni Tansingco ang kanyang mga tauhan na tanggalin na ang naturang mga signages pero nilinaw nito na ipatutupad pa rin ang nasabing polisiya.

Magugunitang nasibak sa puwesto ang tatlong Immigration personnel matapos nakuhanan ng video na nag-aabutan ng pera na ninakaw mula sa bag ng isang dayuhang pasahero.

Follow SMNI NEWS in Twitter