WALANG masamang panahon o layo ng lugar ang makapipigil kay Pastor Apollo C. Quiboloy at mga volunteers nito na bigyang pag-asa ang mga nasa kapighatian lalo na mga biktima ng kalamidad partikular na sa Baybay, Leyte.
Sa pamamagitan ng relief operations ni Pastor Apollo ay kahit papaano, mapapawi sa isipan ng mga residente ang mga alaalang nagdudulot ng lungkot at mapapalitan na ito ng ngiti at saya.
Katuwang ang SMNI Foundation, Children’s Joy Foundation Inc. at Sonshine Philippines Movement, daan-daang nag-uumapaw na balde ang ipinamahagi ng mga volunteers na may lamang food items, cooking utensils, gamot, hygiene kits at malinis na tubig.
Maliban sa taga-Brgy. Kantagnos, nabiyayaan din ang mga residente mula sa Mailhi, Bunga at Butigan.
Tumungo rin ang relief operations team sa Brgy. Villa Solidaridad kung saan ang pagkain at tubig ay isa sa mga matinding pangangailangan.
Taos puso ang pasasalamat ng mga taga-Baybay City kay Pastor Apollo C. Quiboloy sa kanilang tulong na natanggap.
Malaki ang kanilang pasasalamat sa butihing Pastor dahil sa kabila ng layo ng Davao City sa Baybay City ay hindi sila nalimutan ni Pastor Apollo, bagay na tatatak sa kanilang mga puso at isipan.
“Pastor, salamat sa imong gihatag nga grasya nga nadawat namo karon. Daghang salamat bisan sa kalayo nimo na ninghiabut ka sa Baybay. Salamat kaayo. Daghan jud salamat ug sa kaubanan nimo. Kining foundation ug sa children, daghan jud salamat Pastor. God bless! Hinaot unta Pastor nga sa tanan mga kalisdanan naa gihapon ka nga nagasagakay ug labin ikaw Pastor amping kanunay. God bless you!,” ayon sa residente na si Gina Natividad, isang landslide survivor.
Naghatid din ng kanyang pasasalamat ang isa pang survivor na si Alvin Haway.
“Una sa tanan, daghang salamat kay Pastor nga iya mi gitagaan ug mga relief, pagkaon. Daghan kaayo salamat labaw na sa inyung mga kaubanan. Daghang salamat. Hinaot pa unta nga daghan pang muabot nga grasya kay Pastor para makatabang pa siya sa uban,” ayon kay Haway.
Marami pa ang nagpaabot ng pasasalamat sa butihing Pastor na para sa kanila ay napakalaking tulong sa kanilang naghihirap na kalagayan.
Nagpaabot din ng pasasalamat ang Baybay LGU kay Pastor Apollo sa pagpapadala nito ng tulong sa mga naapektuhan ng Bagyong Agaton.
Kinilala naman ng pamahalaang lokal ang tulong na dala ng mga non-government organizations ni Pastor Apollo.
Kitang kita sa mga mata ng mga beneficiaries ang di mabayarang tuwa na naibigay ng relief operation sa pangunguna ni Pastor Apollo C. Quiboloy katuwang ang SMNI Foundation, Children’s Joy Foundation Inc. at Sonshine Philippines Movement.
At muli sa mga nais sumuporta sa humanitarian efforts ni Pastor Apollo ay bukas po ang tanggapan ng SMNI Foundation sa inyong mga donasyon para agad makapag-abot ng tulong sa panahon ng sakuna tulad ng bagyo, baha, lindol o sunog.