Tulong ni Pastor Apollo sa landslide survivors sa Baybay, Leyte, umaapaw

Tulong ni Pastor Apollo sa landslide survivors sa Baybay, Leyte, umaapaw

UMAAPAW ang tulong ni Pastor C. Apollo Quiboloy, Executive Pastor ng The Kingdom of Jesus Christ, sa mga landslide survivors sa Baybay City, Leyte.

Pag-asa ang hatid ni Pastor sa mga apektado ng landslide sa ilang barangay sa Baybay City, Leyte sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga relief goods katuwang ang ilang mga non-government organizations ng butihing Pastor.

Hindi pinalagpas ng relief operations team ni Pastor Apollo ang pagkakataon na maabutan ng tulong na higit pa sa pangangailangan ng mga landslide survivors ng nasabing lugar.

Ito ay sa pakikipagtulungan ng mga non-government organization ni Pastor Apollo tulad ng SMNI Foundation, Children’s Joy Foundation Inc. (CJFI) at Sonshine Philippines Movement (SPM).

Nang malaman ng butihing Pastor ang naging sitwasyon sa Baybay, Leyte, agad na pinakilos ni Pastor Apollo ang kaniyang relief operations team para sa panandaliang paghahatid ng tulong sa mga biktima ng Bagyong Agaton bilang tugon sa pangangailangan ng mga residente.

Daan-daang nag-uumapaw na balde ang ipamamahagi ng mga volunteers na may lamang bigas, kape, easy to cook food, noodles, condiments at marami pang iba para sa halos 200 pamilya ng Brgy. Kantagnos, Mailhi, Bunga at Butigan.

May mga cooking utensils din at malinis na tubig – ilan sa mga matinding pangangailangan ng mga residente.

Sa kaniyang programang Powerline, una nang tiniyak ni Pastor Apollo na laging handa ang mga relief operations team nito sa paghatid ng tulong lalo na sa mga biktima ng anumang sakuna.

“Dapat magtulungan tayo sa mga panahong ito at ‘yung may mga kakayanan na tumulong at kami po ay handa dyan, ang Sonshine Philippines Movement na pinangungunahan ko nakaabang kami palagi sa mga disaster relief operations natin na matulungan natin ang ating pamahalaan na mai-save ang mga tao. Matulungan ang mga nasalanta habang wala pa silang pamamahay, walang mga pagkain, walang masisilungan ay nandodoon tayo para makiramay sa kanilang mga sitwasyon. So, SMNI at ang volunteer groups ng Children’s Joy Foundation at SMNI, kumikilos na para sa karagdagang ayuda na ginawa na ng  gobyerno at tayo naman sa ating kakayanan ay tutulong na rin tayo,” ayon kay Pastor Apollo.

Follow SMNI News on Twitter