POSIBLENG paubos na ang langis mula sa walong tangke ng MT Princess Empress.
Ang oil spill ay maaring umabot pa sa Coron Palawan.
Sa inter-agency meeting na pinangunahan ng DOJ, kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na maaring nasa mahigit 600,000 litro na ng langis ang natagas mula sa limang tangke ng MT Princess Empress.
Sa kabuuan, walong tangke ang karga ng barko nang lumayag ito noong February 28.
Ang tatlong tangke na natitira, nagkaroon na rin umano ng leak.
Kasunod nito, lumalabas na maaring paubos na ang langis o ang industrial fuel na mula sa lumubog na oil tanker.
Sa naturang sukat, 12.27 kms ang apektado sa Oriental Mindoro habang 1.41 kms naman sa Antique.
Ang oil spill pwede pa aniya umabot sa Coron Palawan.
Sa April 11, inaasahang maibibigay na ng DENR ang initial partial na halaga ng damage ng oil spill at maging ang halaga ng kailangan para sa rehabilitasyon.
Mga apektado ng oil spill maaring maghabol ng claims sa may-ari ng MT Princess Empress o sa insurer
Samantala tiniyak naman ng Department of Justice (DOJ) na ang lahat ng apektado ng oil spill ay puwedeng maghabol ng claims mula sa mismong may-ari ng oil tanker o di kaya ay ng insurer.
Ang MARINA inoobliga na magsumite ng mga kailangang dokumento para dito gaya ng permit at clearance.