Larawan ng mga kandidato, bawal sa relief goods – COMELEC

Larawan ng mga kandidato, bawal sa relief goods – COMELEC

BAWAL idikit ang mukha o larawan ng isang kandidato sa ipamamahaging relief goods.

Ito ang paalala ng Commission on Elections (COMELEC) sa mga kandidato na magpapa-abot ng tulong sa mga apektado sa nasalanta ng Bagyong Agaton.

Ayon kay Commissioner George Garcia, kailangang ipagbigay alam sa local offices ng COMELEC ang kanilang aktibidad maging ang listahan ng mga benepisyaryo.

Bawal din ang pagbibigay ng campaign materials sa mga nasalanta dahil posibleng maging basehan ito ng kanilang diskwalipikasyon.

Nilinaw naman ni Commissioner Garcia na hindi ito isang uri ng paghihigpit dahil alam naman ng lahat na marami ang humihingi ng tulong tuwing panahon ng kalamidad.

BASAHIN: Pinsala ni Bagyong Agaton sa agrikultura, mahigit P270-M na

Follow SMNI News on Twitter