HINATULANG guilty sa kasong gross misconduct ng Korte Suprema si Presidential Adviser for Poverty Alleviation (PAPA) Larry Gadon dahil sa ginawa nitong pagsisinungaling at pagbibintang na ibinatay nito sa sabi-sabi o hearsay.
Kinatigan ng Supreme Court en banc ang desisyon ng Integrated Bar of the Philippines kaugnay sa pagsisinungaling ni Gadon na pineke aniya ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang isang pinalabas na temporary restraining order (TRO).
Pinilit din aniyang isama ni Gadon sa kaniyang verified impeachment complain laban kay Sereno ang alegasyon kahit alam nitong wala itong personal na kaalaman o sapat na katibayan laban sa kaniyang inaakusahan.
At dahil disbarred na si Gadon, pinagmumulta na lang ito ng Korte Suprema ng P150-K at hindi na siya magiging eligible sa kahit na anumang judicial clemency.
Samantala, tutol naman si Gadon sa desisyon ng Kataas-Taasang Hukuman dahil ang Kamara lang aniya ang dapat na humusga kung may iregularidad sa kaniyang inihaing reklamo laban sa dating chief justice.