NAGDAGDAG ng mga bagong garbage compactor trucks at motorsiklo ang pamahalaang lokal ng Las Piñas.
Pinangunahan nina Mayor Mel Aguilar at Vice Mayor April Aguilar ang pagpapasinaya sa naturang mga bagong sasakyan sa ginanap sa bisinidad ng Las Piñas City Hall.
Ang karagdagang bagong garbage compactor trucks ng City Environment and Natural Resources (CENRO) ay naglalayong suportahan ang Clean and Green Project ng lokal na pamahalaan para palawakin pa ang kapasidad nito na makakolekta ng mga basura sa iba’t ibang lugar.
Samantala, gagamitin naman ng tanggapan ng Traffic Parking and Management Office (TPMO) ang mga bagong motorsiklo para sa pagmamando ng trapiko sa kalsada.