HINIMOK ni Infectious Disease Expert Dr. Rontgene Solante, ang publiko na magpaturok ng bivalent vaccine kasunod ng banta ng EG.5 coronavirus strain.
Kamakailan ay idineklara itong variant of interest ng World Health Organization (WHO).
Ayon kay Solante ang bivalent vaccine ay nagbibigay ng mataas na proteksiyon laban sa Omicron strains at sa orihinal na COVID-19 virus.
Kailangan higit aniyang maproteksiyunan dito ang mga senior citizen at immunocompromised at ang bivalent vaccine aniya ay available para sa kanila.
Payo rin ni Solante, huwag silang magtatanggal ng face mask kung sila ay nasa pampublikong lugar.