OUT na ang latest single ng Blackpink main dancer na si Lisa!
Nitong Hunyo 27, 8 pm Eastern time at Hunyo 28, 7 am IndoChina time ang release date ng kaniyang kantang “Rockstar”.
Sa Bangkok, Thailand naman ang setting ng kaniyang music video.
Ang “Rockstar” ay ang kauna-unahang music output ng sariling agency ni Lisa na LLOUD at RCA Records.
Ito na rin ang muling music comeback ng Thai dancer-rapper simula taong 2021 nang mai-release ang kanIyang “Lalisa” at “Money” sa ilalim ng YG Entertainment.