INIHAYAG ni COMELEC Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco na dapat mabigyan ng kapangyarihan ang mga law enforcer na agad makapag-aresto ng mga indibidwal na namimili ng boto.
Ito aniya ay para magkaroon ng takot ang mga kandidato at hindi na magbalak na mamili ng boto para manalo.
Sa ngayon ang tanging magagawa ng mga awtoridad ay magsulat ng pangalan ng kanilang mahuhuli at maghihintay na uusad ang kaso.
Ayon naman kay Laudiangco, laganap na ang pamimili ng boto online.
Dahil dito, inihirit naman ng COMELEC official na panahon na para magkaroon ng redefinition para sa vote-buying at vote-selling.