Lebel ng tubig sa Marikina, itinaas hanggang sa ika-2 alarma

Lebel ng tubig sa Marikina, itinaas hanggang sa ika-2 alarma

KASALUKUYAN nang humuhupa ang lebel ng tubig ng Marikina River mula nang ito’y makaabot sa ikalawang alarma bago magtanghali kanina.

Bago magtanghali nang itinaas sa ikalawang alarma ang lebel ng tubig sa Marikina River.

Umabot ito sa 16 meters ang lebel ng tubig kaninang 11:11 ng umaga araw ng Huwebes.

Kasunod na rin ito sa epekto ng Bagyong Egay at Southwest Monsoon na nagdulot ng mga pag-ulan sa mga lugar na pinanggalingan ng tubig ng ilog tulad ng Rizal.

Pero ang lebel ng tubig unti-unti ring bumaba bandang hapon.

Eksaktong 2:00 ng hapon nang bumaba sa 15.9 meters ang tubig sa Marikina River.

Kasunod niyan binaba na ang alarma pero patuloy ring pinag-iingat ng LGU ang mga residente sa posibleng pagtaas pa rin ng tubig at mga pagbaha.

Ayon kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro, nakatulong nang malaki ang Dredging project na sinimulan ni Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na siya namang ipinagpatuloy ng LGU para maiwasan ang mga pagbaha.

Sakali namang mayroon pa ring kailangang ilikas, nakahanda ang 34 na evacution centers ng Marikina.

Simula sa Hulyo 29 araw ng Sabado ay sisimulan na ang Palarong Pambansa.

Ito’y gaganapin sa Marikina City.

Inaasahan na ng LGU na magkakaroon ng mahigit 25,000 na participants ang dadalo sa Palarong Pambansa.

Marikina LGU, may contingency plan sakaling magtuluy-tuloy ang sama ng panahon sa Palarong Pambansa

Kung magtuluy-tuloy man aniya ang weather disturbance ay mayroon nang contingency plan ang lungsod.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble