NASAWI sa edad na 83 ang kilalang legendary singer na si Tina Turner.
Nitong Miyerkules nang kumpirmahin ng kaniyang pamilya na mapayapang pumanaw na ang mang-aawit dahil sa sakit na matagal na nitong iniinda.
Si Tina Turner ay kinikilalang “Queen of Rock ‘N Roll” kung saan kabilang sa kaniyang hit songs ang “Proud Mary”, “I Don’t Wanna Lose You”, “What’s Love Got To Do With It” at “The Best”.
Nagpaabot naman ng pakikiramay sa naiwang pamilya ng singer ang mga kasamahan nito sa industriya tulad ni Bryan Adams, Gloria Gaynor, ang Grammy-winning singer na si Ciara maging ang NBA legend na si Magic Jhonson.