NIYANIG ng magnitude 4.9 na lindol ang Leyte, tatlong minuto matapos ang alas dos ng madaling araw nitong Huwebes, Enero 16, 2025.
Sentro nito ang munisipalidad ng Calubian.
Intensity V ang naramdaman sa munisipalidad ng Leyte habang Intensity III sa Carigara at sa Bogo City, Cebu.
Intensity II naman ang naramdaman sa Kananga, Leyte; Ormoc City; at Cebu City.
Mayroong inaasahang pinsala ang pagyanig na ito ngunit walang aftershocks.