Libreng bakuna para sa mga senior citizen at rapid antigen testing, isinagawa sa Cabanatuan

Libreng bakuna para sa mga senior citizen at rapid antigen testing, isinagawa sa Cabanatuan

DAHIL sa patuloy na pagdagdag ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Cabanatuan, nagpapatuloy din ang pagbibigay ng libreng bakuna para sa mga senior citizen at rapid antigen testing sa lalawigan.

 

Sa pangunguna ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara, isinasagawa ang programang COVID-19 vaccine ng pamahalaan sa pagbibigay ng libreng bakuna laban COVID-19 para sa lahat ng mga senior citizen sa probinsya ng Cabanatuan.

Sa ngayon, umabot na sa 3 ang vaccination center na naipatayo sa lungsod ng Cabanatuan na matatagpuan sa CDRRMO Gym sa City Hall Compound, SM City Cabanatuan, at Our Lady of Fatima University Gymnasium.

Samantala, kasabay din nito isinagawa ang programa ng DOH Department Memorandum (DM) 2020-0468 ang rapid antigen testing na naglalayong ma-detect ang isang indibidwal kung nag positibo sa virus COVID-19 upang maiwasan ang pagdami o pagkalat ng COVID-19 sa lungsod.

Para sa iba pang katanungan sa pagbabakuna at rapid antigen test, maaaring mag text o tumawag sa vaccine operations center hotlines.

Vaccine operations center hotlines:
09985002736
09985002732
09985002738
09985002739

(BASAHIN: 76 dating mga rebelde sa Nueva Ecija, nakatanggap ng financial assistance mula sa gobyerno)

SMNI NEWS