Libreng edukasyon, para sa mahigit 100 na CTGs, tiniyak ng 39IB

Libreng edukasyon, para sa mahigit 100 na CTGs, tiniyak ng 39IB

PATULOY ang ginagawang pagmonitor ng 39th Infantry Battalion (391B) at iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan sa mahigit 100 communist terrorist group (CTGs) o dating rebelde sa Davao del Sur sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga programa na mapapakinabangan nila.

May 25, 2022 nang ideneklara ng Provincial Peace and Order Council ang lalawigan ng Davao del Sur na malaya na sa insurhensiya matapos ang ginawang clearing at validation ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Dahil dito, bumuhos ang tulong mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan upang suportahan ang mga dating rebelde na nagbalik-loob na sa pamahalaan na makapagbagong buhay.

At dahil sa whole of the nation approach ng pamahalaan, tuluy-tuloy lang ang pagpapatupad ng mga programa na makakabenepisyo ang mga former rebels upang unti-unti silang makabalik sa komunidad.

Ayon kay LtCol. Ezra L. Balagtey, commander ng 39IB, aabot sa 155 mga dating rebelde ang kanilang mino-monitor sa pamamagitan ng mga programa ng pamahalaan.

“Since start ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) we have about 155 na former rebels at itong lahat ay ating mino-monitor at hindi lang kami dito ang nagmo-monitor kasama namin dito ang Social Welfare Development even ‘yung Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Department of Science and Technology (DOST) ‘yung mga interventions na kanilang binibigay sa mga former rebels na ito also monitors them so maraming nagmo-monitor sa kanila,” ayon kay LtCol. Ezra L. Balagtey, Commander, 39IB.

Sa pamamagitan aniya nito, matutulungan ang mga nagbalik-loob na unti-unting makabalik sa komunidad at mapalakas ang pag-iisip upang sa gayon ay hindi na sila babalik sa armadong pakikibaka.

“Upang sa ganon ang kanilang mainstreaming aspect ay tuluy-tuloy at ma-strengthen natin, ang kanilang insulation na hindi sila babalik sa insurgent na pag-iisip” dagdag ni LtCol. Ezra L. Balagtey.

Ang nasabing pahayag ng opisyal ay kasunod ng pagtatapos ng 11 former rebels sa Alternative Learning System (ALS) sa Digos City kamakailan.

Dagdag pa ni LtCol. Balagtey na maging ang free education para sa mga dating rebelde ay magtutuluy-tuloy depende sa kagustuhan nila.

 “As long as they are interested sa education, we have free education naman, may mga state and colleges and universities that are willing to accept them to be scholars sa pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral, if ever naman TESDA is providing scholarship and we are in partner with them and mino-monitor din naman nila and we constantly coordinating with us sa local sa province on the interest sa mga former rebels na ito if they want to proceed sa technical education or higher education,” ani LtCol. Balagtey.

Sa ngayon ay patuloy na hinihikayat ni Balagtey ang mga natitirang miyembro ng CTG na magbalik-loob na sa pamahalaan dahil mayroong magandang buhay na naghihintay para sa kanila.

Patunay rito ang mga dati nilang mga kasamahan na ngayon ay benepisyaryo na ng mga programa ng gobyerno.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble