Libreng health services, cash, natanggap ng 50 child laborers sa Pasig City

Libreng health services, cash, natanggap ng 50 child laborers sa Pasig City

NAKATANGGAP ng libreng healthcare services ang nasa 50 child laborers sa Pasig City sa ilalim ng “Batang Malaya” program ng lokal na pamahalaan.

Sa pangunguna ng Pasig City Public Employment Service Office (PESO), Department of Labor and Employment (DOLE) and the Pasig Tripartite Industrial Peace Council (PCTIPC), isinulong ang programa upang masiguro ang kalusugan at kapakanan ng mga batang manggagawa sa Pasig City.

Maliban dito, ang proyekto ay isa sa mga programa ng lungsod na naglalayong masugpo ang tumataas ng kaso ng child labor sa Pasig.

Kasabay ng medical check-up sa kanila, nakatanggap din ang 50 benepisyaryo ng P20 halaga ng tulong-pinansiyal, 16 sako ng bigas, at grocery packs.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble