Libreng medical at health services, handog sa 300 residente sa Nueva Ecija

Libreng medical at health services, handog sa 300 residente sa Nueva Ecija

UMABOT sa 300 residente ng Zaragoza, Nueva Ecija ang nabigyan ng libreng medical at health services.

Ito ay matapos ang joint medical mission ng AFP Northern Luzon Command (NOLCOM), Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU), at iba pang grupo.

Kabilang sa natanggap ng mga residente ay ang libreng medical, dental, circumcision, haircut services, gamot, at bitamina.

Ayon kay Abraham Claro Casis, Consultant for Peace sa North at Central Luzon ng  OPAPRU, ang joint medical mission ay isang patunay ng aktibong whole-of-nation approach tungo sa kapayapaan at kaunlaran, gayundin ang paglilingkod sa mga mamamayan sa malalayong lugar sa rehiyon.

Pinasalamatan naman ng mga benepisyaryo ang handog na medical mission ng NOLCOM at kanilang mga katuwang na grupo.

Tiniyak ng NOLCOM na patuloy silang makikipagtulungan sa mga stakeholder upang magsagawa ng mga katulad na aktibidad sa mga nangangailangan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter