NAG-umpisa ngayong Miyerkules, Abril 5, ang Libreng Sakay ng MRT-3 para sa mga beterano, bilang pagdiriwang ng Philippine Veterans’ Week at Araw ng Kagitingan.
Magtatagal ang ‘libreng sakay’ sa buong oras ng operasyon ng MRT-3 ngayong araw.
Muli itong ipatutupad sa darating na Abril 10 – 12.
Kailangan lang magpakita ng valid Identification Card mula sa Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) para makatanggap ng libreng sakay.
Pahihintulutan din ang isang companion kada beterano na makakuha ng libreng sakay.
Ngayong araw rin ang huling araw ng operasyon ng MRT-3 bago ang scheduled maintenance activities nito para sa Holy Week.
Pansamantalang ititigil ang operasyon mula Abril 6 – 9.
Magbabalik sa normal ang operasyon ng MRT-3 sa Abril 10.