Libreng sakay sa EDSA Carousel, posibleng maibalik sa ikalawang bahagi ng 2023 –DOTr

Libreng sakay sa EDSA Carousel, posibleng maibalik sa ikalawang bahagi ng 2023 –DOTr

BINIGYANG-linaw ng Department of Transportation (DOTr) na bagamat tapos na ang service contracting program o ‘Libreng Sakay’ ng pamahalaan noong Disyembre 31.

Hindi ito nangangahulugang wala nang ‘Libreng Sakay’ ngayong darating na 2023.

Sa isang pahaayag ng DOTr, mayroon pang P2.16-B na pondo para sa naturang programa sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act (GAA) habang P1.285-B naman para sa programmed appropriations at P875-M para naman sa unprogrammed appropriations.

Kaya naman nagsasagawa na ng plano ang DOTr at ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para muling ibalik ang ‘Libreng Sakay’ sa buong bansa katuwang ang mga lokal na pamahalaan.

Follow SMNI NEWS in Twitter