Libreng sanitary products para sa mga kababaihan, isinusulong sa Senado

Libreng sanitary products para sa mga kababaihan, isinusulong sa Senado

INIHAIN sa Senado ang isang panukala na naglalayong mabigyan ng libreng sanitary products ang mga kababaihan sa bansa.

Batay sa Senate Bill No. 2475 ni Sen. JV Ejercito, mandatoryong magbibigay ang Department of Education (DepEd) ng libreng sanitary products sa mga babaeng estudyante.

Ang Department of Health (DOH) naman ay magbibigay ng libre nito sa bawat barangay health center para ipamahagi sa sinumang walang sapat na kakayahang bumili.

Ayon kay Sen. Ejercito, matagal nang napapabayaan ang karapatan ng mga kababaihan tungo sa accessible at affordable na sanitary products at panahon na para resolbahin ito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble