MAGBIBIGAY ng libreng SIM cards para sa overseas Filipino workers (OFWs) na papuntang South Korea ang PLDT Global Corporation at Korean telco na JD Mobile Company.
Kasama sa ipinamimigay na SIM cards ang isang buwan na subscription plan gaya ng data, voice, at text services maging ang pagkakaroon ng easy access sa mga app at network na tanging available sa South Korea.
Layunin nito ayon sa PLDT ang matulungan ang OFWs na matiyak ang komunikasyon sa kanilang pamilya sa Pilipinas habang nag-uumpisa pa lang doon.
Para sa JDM Telco, masaya ang kanilang kompanya at magiging kabahagi sila sa pagtulong sa mga OFW.