Libu-libong fully grown marijuana, sinira ng PDEA sa Kalinga

Libu-libong fully grown marijuana, sinira ng PDEA sa Kalinga

AABOT sa P11-M na halaga ng marijuana ang binunot at sinunog ng anti-narcotic agents ng Philippine Drug Enforcement Agency Cordillera-Kalinga Provincial Office.

Natunton ng mga awtoridad ang nabanggit na marijuana sa Buscalan, Tinglayan, Kalinga.

Dagdag pa dito, nadiskubre ng mga operatiba ang marijuana mula sa 2 plantation sites na may lawak na 5,500 sqm.

Base sa impormasyon, aabot sa 5-K piraso ng fully grown marijuana ang natagpuan sa unang plantasyon na nagkakahalaga ng aabot sa P1-M.

Habang sa ikalawang plantation site naman ay nakuha ng mga otoridad ang 50-K piraso ng fully grown marijuana na nagkakahalaga ng aabot sa P10-M.

Wala namang nakitang suspek ang mga awtoridad.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter