DALAWANG araw na lang bago ang Pasko pero dagsa pa rin ng libu-libong pasahero ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) para umuwi sa kani-kanilang probinsya at magbakasyon ngayong holiday season.
Bukod sa mga probinsya patungong Luzon ay dagsa rin ng mga pasahero ang mga bibiyahe patungong Visayas at Mindanao.
Ilan din sa mga pasaherong bibiyaheng tawid-dagat ay nasa 4-7 taon nang hindi nakakauwi sa kanilang probinsya.
Samantala inanunsyo rin ng PITX na bukas pa rin ng 24 oras ang Gate 10 para sa EDSA Carousel ‘Libreng Sakay’ na mula Disyembre 23-25.