Libu-libong protesters sa Paris, nais mabigyan ng solusyon ang climate change

Libu-libong protesters sa Paris, nais mabigyan ng solusyon ang climate change

IPINANAWAGAN ng libu-libong nagsagawa ng kilos-protesta sa Paris, France na tutukan na ang nararanasang climate change sa bansa at sa buong mundo.

Tugon ito ng mga taga-Paris hinggil sa palabas na “Dont look up” kung saan ang kwento ay sumentro sa mga astronomer na nakadiskubre ng isang kometa na pinaniniwalaang maging dahilan para maglaho ang planet earth sa hinaharap.

Sa nalalapit na eleksyon sa France, binigyang-diin ng mga nagprotesta na dapat bigyan na ito ng tugon ng mga politiko bago pa mahuli ang lahat.

Kung sisilipin nga sa surveys, 1.5% sa mga talking point sa election campaign simula February 28 hanggang March 6 ay patungkol sa climate change.

Samantala, tinatayang aabot sa apatnapung libo ang sumali sa naturang protesta ayon sa interior ministry ng France.

Follow SMNI NEWS in Twitter