NAHAHARAP sa patung-patong na reklamo ang lider ng sindikato na nasa likod ng car loan scam.
Ito ang inihayag ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Executive Director Undersecretary Gilbert Cruz.
Ayon kay Cruz, kabilang sa isinampa nilang reklamo sa hindi pinangalanang suspek ay carnapping, estafa at falsification of documents.
Nagpapatuloy aniya ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad.
Hindi pa naman naaaresto ang suspek at kaniyang mga kasabwat.
Sinasabing naengganyo ang mga biktima na kumuha ng kotse dahil kikita sila ng malaking salapi sa pamamagitan ng pagpaparenta.