TARGET ng Israel ngayon na atakehin ang secret labyrinth ng mga lagusan na itinayo ng Hamas sa ilalim ng Gaza Strip.
Ito ay bahagi ng tugon ng Israel sa ginawang cross-border attack ng Palestinian Islamist Militant Group noong Sabado na ikinasawi ng daan-daang sibilyan.
Ayon sa tagapagsalita ng Israel Defense Forces (IDF), binubuo ang Gaza Strip ng dalawang layer – ang unang layer ay sa mga sibilyan habang ang pangalawa ay para sa Hamas at ito aniya ang kanilang target.
Naniniwala ang tropa ng Israel na ginagamit ng Hamas ang nautrang mga bunker para patuloy silang makapagpalipad ng rockets sa Israel.
Tinatayang nasa halos 2,500 na tunnels ang nasa ilalim ng Egyptian border na ginagamit para magpuslit ng commercial goods, langis at armas ng Hamas at ng iba pang militanteng grupo.
Mahigit sa 30 tunnels sa Gaza na nadiskubre ng Israeli military ang sinira ng IDF noong 2014.