Lilo & Stitch, nanalo ng North American Box Office Award

Lilo & Stitch, nanalo ng North American Box Office Award

NANALO ng North American Box Office ang 2002 animated film na Lilo & Stitch.

Sa loob lang ng dalawang linggo matapos itong i-release ay nakakuha na ito ng tumataginting na 610 million US dollars!

Sa ikalawang linggo ay nasa 63 million US dollars ang nalikom ng pelikula. Isa itong patunay na tumatak talaga, hindi lang sa mga bata kundi pati na rin sa mga matatanda ang family-oriented film at nagustuhan din ng madla ang friendship ng adorable alien na si Stitch, at ang kanyang sidekick na si Lilo.

Pumapangalawa naman ang Mission: Impossible The Final Reckoning na nasa second place na may mahigit 27 million US dollars sa Estados Unidos at Canada.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble