List ng NFA warehouse na nagbenta ng bigas, ipina-subpoena ng Ombudsman

List ng NFA warehouse na nagbenta ng bigas, ipina-subpoena ng Ombudsman

PERSONAL na nagsilbi ng subpoena si Ombudsman Samuel Martires sa National Food Authority (NFA).

Ang subpoena ay para mahingi ang listahan ng warehouses ng NFA na umano’y sangkot sa pagbebenta ng bigas sa piling traders.

Ang ibang warehouses na nasa listahan ay naibigay na subalit ang iba ay nakatakda palang maibigay.

Ayon kay Martires, makatutulong ang proseso na ito para matukoy ang pagkakasala o pagiging inosente ng mga nasuspindeng opisyal.

Matatandaang nagpatupad ng anim na buwang preventive suspension si Department of Agriculture Sec. Francisco Laurel Jr. sa 139 NFA officials.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble