Loan para sa bibilhing maritime vessels, nilagdaan na ng Pilipinas at Japan

Loan para sa bibilhing maritime vessels, nilagdaan na ng Pilipinas at Japan

NILAGDAAN na ng Pilipinas at Japan ang loan para sa bibilhinh maritime vessels.

Aprubado na ng pamahalaan ang pagpopondo ng nasa P24.57-B para sa design, kontruksiyon at delivery ng limang units ng 97-meter multi-role response vessels mula sa Japan.

Kasunod ito ng paglagda ng Department of Finance (DOF) at Japan International Cooperation Agency (JICA) ng isang kasunduan para sa Phase III ng Maritime Safety Capability Improvement Project ng Philippine Coast Guard.

Nakapaloob na rin sa naturang kasunduan ang five-year integrated logistics support para matiyak ang sustainability at operation readiness ng mga multi-role response vessel.

Ayon sa DOF, ang mabibiling maritime vessels ay lubos na makatutulong sa PCG halimbawa na lang sa pagbibigay proteksiyon sa soberaniya at karapatan ng mga mangingisdang Pilipino.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble